Sunday, September 03, 2006

tetris is lurve


si Masaya ay si Kit

nag iinit ang bawat silakbo twing pagising sa umaga
parang brocolling sumisilip sa hugis ng mga bituin(twingkol-twingkol)
naglalakbay sa matalas na paningin ng himpapawid sa buwan ng mga pusang hilaw
na sa bawat gabing magkayakap sa ibabaw ng mala mamon na ulap ng goldilocks

ngunit ang oras ay tumitiktak tik tak at...

ikaw ang nagsisilbing kape na dumaragit sa aking atay
ikaw ang usok na nagswu-swoosh swoosh sa munting pagbuga
nga baga kong may poot at kapangyarihan
ikaw ang gulay na sa bawat nguya ay naglalaway ng sustansya
sustansyan di pede mabili sa MERCURY DRUG

ang mga islang nag ha-hop hop hop hop....

kung ikaw si QUIAPO
ako naman si CUBAO
at anak natin si DIVISORIA
na siyang nag uugat sa ating pag oONGPIN

sa kabilang banda...

matagal ko ng hinahanap kay PARENG WEBSTER si ALING MASAYA
pero di pala kilala ni PARENG WEBSTER si ALING MASAYA
maswerte pa rin, dahil nakasalubong ko si ALING MASAYA sa WELCOME ROTONDA
nung alas kwatro ng madaling araw
habang kumakanta si jett pangan ng THE DAWN

si ALING MASAYA taga DIVISORIA pala...

bumili ako sa kanya ng mga kakailanganin sa mahabang pagtawid sa pilik mata ng planet pluto...
bumili ako ng mga sumusunod:
YOSI, para sa pagmamaniubra sa depresyong OBRA MAESTRA
SERBESA
, para sa pinong artes na kumikindat
MADALING ARAW, para sa oras na pagtitinapay sa tindahan ni MYLENE DIZON
BAGUIO, para sa masayang tagutaguan at ten-twenty
DILIMAN, para sa habulang pang marathon
PARKING LOT, para kay MARSHALL
KAMERA, para sa duplikadong enerhiya ng memorya.

pero..... pero... mabigat silang bibitin lahat!!!

di ko sila mabibit dahil im no SPOOKY SERNA eynimor!
pero dahil mahal na yata ako ni ALING MASAYA
binigyan niya ako ng KIT
na siyang magbibitbit sa lahat ng napamalengkehan ko
at dadalhin ko ang KIT sa dulo ng PERYA nina PINGU at PINGA
ng sa gayon madali na ang lahat para sa isang paglalakbay...

si PARENG WEBSTER humirit:
"si MASAYA pala ay si KIT."

5 Comments:

Anonymous kneeko said...

hehehehe anong kit un? manicure and pedicure? whwheewwww anggulo ah ahahha

10:16 PM  
Anonymous Anonymous said...

kisss. mumu!

5:36 AM  
Blogger Arch_aces said...

aba, ayos pagkadugtong dugtong ng istorya. Keep up the good work baka maka-gawa ka ng obra maestra na pwede pang-Palanca. Thanks sa pagbisita.

8:53 PM  
Anonymous blacksoul said...

wicked!!!link exchange tayo

5:04 PM  
Blogger ladycroft said...

wow...what you've written really caught my attention...can i link you up, pls?

chel

12:16 AM  

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home